Tungkol Sa Amin

Bakit ‘di tayo magkape—sa Kapemoto?

Maaari ninyong masaksihan sa aming pop-up shop ang mahaba ngunit nakatutuwang gawang-kamay na paghahanda sa bawat inumin.


Nagsisimula ang lahat sa paggiling ng kape. Kapag sapat na ang dami ng giniling na kape, ito naman ay ibu-brew.  Kapag handa na ang espresso ito ay ia-ayon na sa timplang nais ninyo.

Karamihan ng aming pampalasa (syrup) na ginagamit ay kami rin ang gumagawa. Dahil naniniwala kami na sa paraan na iyon, magiging kakaiba at aangat ang lasa ng aming mga kape.

Huwag mag-alala dahil hindi lang masarap na maiinom ang aming inaalok, may masustansyang meryenda pa— angTuna Wrap—na tiyak babalik-balikan mo.

Kaya aabangan namin ang pagbisita mo, magsama ka na rin ng kaibigan, kapatid, o kahit pa buong mag-anak.

Moka Pot brewing ang gamit ng aming shop. Ito ay isa sa maraming brewing methods.

Ito ay gumagamit ng pressure galing sa steam, na nagmumula sa kumukulong tubig sa ibabang bahagi ng pot, para makapaglabas ng espresso.

Mabango kasi bago…

Mas kapansin-pansin ang aroma ng kape kung ito ay bagong giling. Kaya naman, sinisigurado namin, ng Kapemoto, na magtinda lamang ng de kalidad ngunit abot-kayang produkto.

Baybayin ay atin!

Ang Kapemoto ay hindi lamang basta kapihan, dahil kami rin ay isa sa mga nagnanais na mabigyang kaalaman ang karamihan sa ating nakaraan.


Hinahangad namin na sa munting pagbili ng kape ay magkaroon din ng ideya ang bawat isa na tumangkilik sa amin sa ating dating pagsulat—-ang Baybayin.

Bago pa man dumating ang mananakop ay mayroon na tayong paraan ng pagsulat.  Maaari mo rin itong pag-aralan. (Tingnan ang litrato sa kanan.)

Sama-samang magkape at sama-samang matuto ng Baybayin!

Sundan kami sa aming mga social media accounts.

Facebook icon
Email icon
Website icon
Instagram icon

© 2022 KAPEMOTO POP-UP

Intuit Mailchimp logo